Lunes, Nobyembre 16, 2015

Ikatlong Liham

Panaginip


Maging sa mga oras na ito ay di pa rin matahimik, mula nang magising sa isang panaginip
Puno ng mga tanong ang aking pag-iisip, tulad ng "Isa ba itong babala ng nakaraan, para sa hinaharap?"
Ilang taon na ang lumipas, katulad mo pa rin ba ang hanap?
Alam ng isip na hindi dapat at lalong hindi katanggap-tanggap
Hindi hahayaang diktahang muli ng puso ang isip
Dahil hanggang ngayon ay iniisip-isip bakit ikaw ang aking inibig? 
Kaya itinatak sa isip, hindi na hahayaang madaig pang muli ng puso ang isip
Walong buwan ding nagpakalunod sa iyong mga halik
Tama na, dapat lang na 'di na bumalik
Ngunit minsa'y naiisip, kung hindi ka hinayaang bumitaw
Sana'y di ka naligaw
Ibang-iba na ang iyong galaw, masiyado nang magaslaw
Sabi ng mga kaibigan ay may bago ka na raw
Ngunit nang aking matanaw, ang iyong kaulayaw
Siya ba ang dahilan kung bakit ka bumitaw?
Nakita kung paano ka tinangay, hanggang sa 'di ka na matanaw
Ako ba ang dahilan kung bakit iba na ang iyong kilos at galaw?
Dahil ba ako ay hindi kumapit at hinayaan kang bumitaw? 
Sabi mo sa mga kaibigan natin, ako ay mapait
Dahil ba sa buhay ko'y wala ka pa ring kapalit?
Huwag mong isiping ako sayo ay galit, hindi ako nagmamalupit
Kaya wala ka pang kapalit, ayaw lang maulit ang naramdamang sakit
Sa pagdating ng bagong pag-ibig, papalitan ng tamis ang pait
Sa huli sa iyo ay lalapit, yayakapin ka ng mahigpit
Ibubulong sa iyo ang mga salitang "Salamat sa lahat ng sakit"
Kung mangyari man ang panagip, sasabihing iba na ang hanap
Yung taong hanggang sa huling hininga ako ang hanap
Sa gabing malamig ako ang yakap 








Huwebes, Nobyembre 12, 2015

Ikalawang Liham

Wagas


Nais matutong mabigkas ng mga labi ang ayaw ilabas ng pusong nagmamatigas.
Pinipilit maging malakas sa bawat hampas ng mga alon na 'di ko alam kung kailan ba magwawakas.
Hindi namalayang sa paglipas ng mga taon, ang puso ay 'di pala malakas,
Ngunit isa nang matigas.


Ikinukubli sa mga ngiti at tawang wagas ang mga sugat na 'di alam kung kailan maghihilom at lilipas.

Sinubukang ilabas ngunit kasabay nito ay ang pagtangis, mga matang tila nagpapawis.
Diyos Ama, sa iyo ay patuloy na tatangis, hanggang matuyo ang batis.
Alam kong ako ay 'di mo matitiis at 'di na muli pang tatangis.
Sa huli ay ngingiti ng matamis, nananabik sa muli mong pagbabalik.




Martes, Nobyembre 10, 2015

Ika-Unang Liham

Magulong Isip



Gulong-gulo na naman ang isip ko
Gusto nitong isigaw ang mga salitang ayaw mamutawi sa labi ko
Mula pa kagabi ay nais nang tumungo sa malayo
Gustong dumako kung saan matatanaw sa malayo ang mga ilaw na kumikislap sa madilim na gabi. Oo, malayo sakanya, sa iyo, malayo sainyo.
Malayo maging sa mga bagay na lalong nagpapagulo sa isip ko. 
Ngunit malapit sa Diyos ko, na 'di ko alam kung pinaniniwalaan mo.
Hindi ko alam pero sa tuwing lumalayo ako sa mga tao, pakiramdam ko ay lalo akong napapalapit sakanya
Marahil sa kadahilanang mas malapit ang bundok sa langit.




https://www.facebook.com/mysimplereminders/?fref=ts